Teeth

Teeth Teeth Lyrics
1.Tugtugan Na

Tugtugan na!

Damputin mo na ang gitara mo
Ang tambol mo'y hatawin na
Kumanta ka at sumigaw
Oras na para madinig

Ito na ang ating musika
Musika ng ating panahon
Patalbugan ay itigal na
Ba't di tayo magkaisa

Ang Kapitbahay ay gisingin na
Pati na rin ang buong barangay
Lakasan pa natin ng todo
Hanggang ang kisame'y magiba

Ang baho mo ay paugungin na
Lakasan mo pa ang iyong tipa
Kaskasin mo na ang gitara mo
Hanggang ang kwerdas ay maputol mo

Magkaisa!


2.Stokwa

Laging 'di mautusan
Gabi na kung umuwi ng bahay
'Pag naman napapagalitan
Ayaw sumabay sa hapunan

Sa isip mo'y walang nagmamahal sa iyo
Barkada lang ang naging takbuhan mo

Sisibat na ako dito
Tingnan ko lang kung matitiis mo
Maglalayas na ako
Pigilan n'yo naman ako

Mga stokwa
Umuwi na kayo
Mga stokwa
Handa nang hapunan ninyo
Mga stokwa
Naghihintay n'ang magulang n'yo
Mga stokwa

Nasa disco nang kalimitan
Panay alembong at sosyalan
Pag-uwi ng sariling tahanan
Napagsarhan ng pintuan Sa isip mo walang nagmamahal sa 'yo
Barkada lang ang naging takbuhan mo


3.Me

Laging 'di mautusan
Gabi na kung umuwi ng bahay
'pag naman napapagalitan
Ayaw sumabay sa hapunan

Sa isip mo'y walang nagmamahal sa 'yo
Barkada lang ang naging takbuhan mo

Sisibat na ako dito
Tignan ko lang kung matiis mo
Maglalayas na ako
Pigilan n'yo naman ako

Mga stokwa
Umuwi na kayo
Mga stokwa
Handa n'ang hapunan n'yo
Mga stokwa
Naghihintay n'ang magulang n'yo
Mga stokwa

Nasa disco ng kalimitan
Panay alembong at sosyalan
Pag-uwi ng sariling tahanan
Napagsarhan ng pintuan

Sa isip mo'y walang nagmamahal sa 'yo
Barkada lang ang naging takbuhan mo


4.Gubat

Sa kagubatan may liblib na lugar
Nagkalat ang ahas tuklaw ng kamandag
Naghanap ng landas nilakad ang gubat
Araw ang lumipas 'di na nakalabas

May mga bagay na nagbago sa ating paglalakbay
Dating sigla at ligaya napawi ng lumbay
Tumayong nagiisa hinihintay ang wakas
Dito sa masukal na gubat

Yapak ang paa tuloy ang paglakad
Nagsugat sa talahib at damong makamandag
Sa kagubatan maraming nawawala
Sanga-sangang daan saan ka pupunta


5.Galit Sa Mundo

Bakit ba may mga taong
Mayroong sariling mundo
Lahat ng tama'y laging mali sa inyo
Lahat ng uso'y baduy sa iyo

'Di nakuntento, nangdamay pa kayo
Katahimikan ko'y ginugulo ninyo
Anak ng tokwa ano ba'ng gusto mo
Oy! Maghanap ka na lang ng ibang mundo

Ganyan ang buhay sa mundo
May taong 'di kuntento
Yan ang taong walang kwenta
Puro kwentong walang istorya
Sawa ka na ba sa buhay mo
(pare/'tol/tsong) Galit ka ba sa mundo

Pati gobyerno'y tinitira n'yo
Sa susunod na halalan ikaw ang tumakbo
Mali ng iba'y pinupuna ninyo
Humarap sa salamin tingnan ang sarili mo


6.Chicharon

Gusto kitang kagatin
Ang sarap mong nguyain
Lahat ay napapasubo sa iyo
Para kang sinawsaw sa suka
Ang asim ng amoy mo
Minsan ang lutong mo
Minsan nama'y ang kunat mo
'Sing liit ka ng biik
'Sing ingay ng baboy
Kolesterol mo'y nakaka-highblood

Ang laki ng ilong mo
Ika'y nakakahilo
Gusto kitang katayin

Mukha kang chicharon
Chicharong balbon
Mukha kang chicharon
Chicharong balbon
Lumang chicharon
(Ang asim ng mukha mo)

Pare paabot nga ng suka
Thank you