Yano

Yano Yano Lyrics
1.Mercy

Isang marusing na babae
Na tinubuan ng bigote
Kinakausap ang sarile
O sinomang makatabe

Na'san ka na kaya
Mercyng makata
San ba gumagala
Ba't bigla kang nawala

Parang bula

Mangungulit mangiistorbo
Manghihingi sa'yo ng piso
Kapalit nito'y isang tula
Sinulat nya sa palara

Lalalalalalalalalala...
Lalalalalalalalalala...
Lalala...

Siya'y walang awang ginahasa
Simula ng kanyang di paglaya
Nawalan ng tino sa kahihiyan
Pangarap nya'y di na nasundan

Lalalalalalalalalala...
Parang bula...
Lalalalalalalalalala...
Parang bula...
Lalalalalalalalalala...
Parang bula...


2.Kaka

Sa gitna ng dilim si Kaka'y nangangapa
Nagpumilit makakuha posporo at kandila
Sa kasamaang palad ay iba ang nakapa malambot
mamasamasa malagkit at malata ehh....

Sumibad siya pakusina maghuhugas ng kamay nya eh..
Walang tubig sa gripo kaya't sa banyo dumiritso eh..
Minalas nga naman natapakan ang sabon si kaka ay nadulas
puwit nya ay nagasgas eh..

Chorus:
Kasi walang kuryente brownout walang kuryente wala wala walang
kuryente wala
walang kuryente
Kasi walang kuryente brownout walang kuryente wala wala wala
wala walaaaaa!

Palabas s'ya ng banyo ng matapakan si muning
Katakot takot nakalmot si kaka napadaing eh..
Umakyat s'ya sa hagdan pero bago makarating nakatapak ng
tumbtacks
gumulong at nagkadulingduling

(repeat chorus)

Lumabas s'ya ng bahay doon sa kalye nagpahangin at galit
na tinadyakan ang aso ni mang Osting
eh..nandon pala si mang Osting nasiga sa lugar namin
ang kawawang si kaka sa ospital nakarating wheoowheoo!!!

(repeat choros 2x)


3.Esem

Patingin-tingin, di naman makabili
Patingin-tingin, di makapanood ng sine
Walang ibang pera, kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalalwang yosi

Pamoy-amoy, di naman makakain
Busog na sa tubig
Gutom nailipas din
Patuloy ang laboy
Walang iisipin
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
(Repeat)

Gumagabi na
Akoy uuwi na
Tapos na ang saya
Balik sa problema
At bukas ng umaga
Uulitin ko pa ba ang kahibangang ito
Sa tingin ko hindi na

Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay

Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay
Nakakabaliw ang ganitong buhay
Di nakakaaliw ang ganitong buhay

No... no no no


4.Caino Ka Pre

Ola! conyito y conyita~

Paano magmura ang conyong ilokana? (ukinamshet)
Paano magdasal ang conyong relihiyosa? (lord give us naman some
bread)

How could you be so.
8x

What happened to my stuff-ed toy, it's important pa naman you
make destroy
Ikaw ha you naughty boy, I'll donate you to manong boy

How could you be so.
8x

Paano magrecite ang conyong kolehiyala? (ma'am, dunno the
answer)
Paano magspeech ang conyong congresista? (alam nyo, u know?)

How could you be so.
8x

(Guitar lead)

Hey guys come on! lakwatsa naman
Tomorrow pa our exams
Take it easy wag ka ng magcram
Watch a movie and go shopping na lang~

How could you be so.
8x

(Burp)
Yeah.